Monday, November 9, 2020

"KUYA WIL " NAGTUNGO NG CATANDUANES NAGBIGAY NG AYUDA AT 5 MILLION PESOS.

Kuya wil Nagtungo ng CATANDUANES.

Dumating sa Catanduanes si WIllie Revilliame noong linggo Nov 8 2020 upang magtungo sa Gigmoto para mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly. Ayon kay 'Kuya Wil', napanood niya ang panawagan ng isang residente mula sa Brgy. Sioron, Gigmoto. 


Kasama ng TV Host sina Gov. Joseph Cua at Cong. Hector Sanchez sa pagbahagi ng tulong sa Bayan ng Gigmoto.



 Personal na binisita ni Willie Revillame ang mga apektadong residente ng Brgy. Biong, Gigmoto, Catanduanes kahapon, 

Nangako si Kuya Wil na magbibigay ito ng Php 5 million check para sa buong probinsiya ng Catanduanes. Ayon sa celebrity TV host, ang Php 2 million na bahagi nito ay para sa bayan ng Gigmoto.
Binigyan din ni Kuya Wil ng Php 100,000 si Elizabeth EspaΓ±ol ng Brgy. Siorion, na unang nanawagan sa kaniya sa pamamagitang ng programang 24 Oras ng GMA News. 
Kasama rin sa inabot ni Kuya Wil ang 1,000 na kumot at 300 jackets sa mga residente..

Credit. Gov boboy cua fb page


Wednesday, April 15, 2020

ITO YUNG POOREST OF THE POOR NA HINDI NABIGYAN NG TULONG, YUNG IBA NABIGYAN KAHIT MAY REGULAR NA TRABAHO AT MAAYOS NA TAHANAN!

Ayon sa isang netizen na sI MERLINDA RAGRAG MILAGROSA, hindi umano nabigyan ng tulong itong single parent.

Narito ang kanyang Post sa kanyang Facebook:

Ito Yong isang single parent na Hindi KASALI SA nabigyan ng TULONG at kahit SA poorest of the poor di din KASALI ngunit Yong ibang nakatanggap nang TULONG para SA mga poorest of the poor may mga regular na trabaho maayos Ang tahanan pero it ulan init magkasya na Lang kikubli SA party ng bahay na may bobong Ang kanyAng address purok 6 crossing libona bukidnon for more info just PM to
MERLINDA RAGRAG MILAGROSA.

PANOORIN ANG VIDEO SA IBABA:




Source: Merlinda Ragrag Milagrosa FB

#OUSTDUTERTE, ISANG NETIZEN ANG NAGTANGGAL NG TARPAULIN NA MAY NAKASULAT NA #OUSTDUTERTE

Isang Netizen ang nagtanggal ng tarpaulin na may #OUSDUTERTE sa overpass sa tapat ng UP TOWN CENTER.!

Ayon kay GAB SAM na siyang nakakita sa  #OUSTDUTERTE tarpaulin hindi umano ito makakatulong sa panahon ngayon ng crisis
 Kaya nya tinanggal.! 

Narito ang kanyang kuwento:

Gusto ko lang ishare:

Kahapon habang nagdadrive ako pauwi from supermarket may nakita akong di kaaya aya sa overpass sa tapat ng UP Town Center Katipunan na #OUSTDuterte.

Syempre ginawa ko kung ano yung dapat. Tinanggal ko at tinapon ko sa basurahan yung walang kakwenta kwentang bagay at walang magandang hatid sa lahat ng makakakita. Di ko lang maintindihan kung san nanggagaling yung nagsulat at naglagay nun at nageffort pa na lumabas at suwayin ang utos ng gobyerno para lang gawin yun.

Di ba nya naisip na di solusyon ang pagpapatalsik sa Presidente natin sa kinakaharap natin na problema ngayon?
Kasi ang pagkakaalam ko PAGKAKAISA yung kailangan natin ngayon at TULUNGAN at hindi pagsisisihan o siraan!

Puro reklamo at puro paninisi nalang sa Gobyerno imbis gumawa ng tama! Kung may pagkukulang man sila naniniwala ako na di ito yung tamang panahon para isumbat yun sa kanila. Dahil walang nakakaalam at nakapaghanda sa problemang to kahit yung malalakaing bansa.

Kung di natin kayang irespeto si DU30 bilang Presidente, Irespeto nalang sana natin sya bilang nakakatanda na kailangan igalang gaya ng mga nakakatanda nating kamaganak!

Taas kamay sa mga BOBONG nagsasabi na pagpapatalsik kay DU30 ang solusyon sa problema natin ngayon! At sa mga puro reklamo na wala naman naitutulong!

Pakiunfriend nalang ako kung tingin mo MALI ako sa sinasabi ko at magkaiba tayo ng paniniwala at gusto mangyari!

P.S: Di po ako nagpapasikat or what! Sensya na kung magkaiba tayo ng paniniwala. Respetuhan nalang ✌πŸ‘πŸ»

#OneLove #UnityForHumanity #Peaceout✌

Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Gab Sam FACEBOOK


Tuesday, April 14, 2020

UST RESIDENT DOCTOR, DRA. CARMINA FUENTABELLA AY NAKIKIPAGLABAN SA COVID19, PLS PRAY FOR FAST RECOVERY!!

UST RESIDENT DOCTOR, DRA. CARMINA FUENTABELLA AY NAKIKIPAGLABAN SA COVID-19
Si Dra.Carmina Fuentabella Ay 26 yrs old pa lamang, at resident doctor sa UST atin pong ipanalangin na agad na gumaling si dra. Carmina Fuentabella.

Si Dr. Richard Mata,Humihiling din ng panalangin para sa kanyang kapwa doctor sa UST na infected sa COVID19, at nasa kasalukuyang malubhang kondisyon.

Photo credit: dr. Richard Mata

Humihiling din ng panalangin ang isa sa Pinsan ni Dra. Carmina Fuentabella na si JESSE JAMES OLAC PIGON.

 Kakapalan ko na mukha ko.

I am asking for everyone here to help us in praying for the complete recovery of my cousin, Ate Carmina Fuentebella, she is a frontliner doctor in UST. She is currently intubated in the critical care ward in UST Hospital.

She is only 26 years old and is very passionate in administering to the sick. Please pray for all our frontliners too. :( πŸ™

Thank you everyone.

If you can share this to other groups, I will be incredibly thankful. πŸ™πŸ™πŸ™

Photo Credit:Jesse James Olac Pigon.


"In Jesus Name, Please heal Dra. Carmina Fuentabella, we need her"

Saturday, April 11, 2020

ANG KUWENTO NG ISANG BICOLANO, 4P'S SCHOLAR NA NAKAPAGTAPOS NG KURSONG ENGINEER.

Mainit ngayon ang usapin Sa Social Media ang tungkol sa 4P's, kung saan merong nagviral na 4P's member na nilulustay lang ang ayuda ng GOBYERNO na nahuling nagsusugal.
 SUBALIT meron Isang kuwento ng isang bicolano kung papano siya natulungan ng 4P's Scholar at nakapagtapos pa sya sa Kursong Engineer.

Narito ang buong kuwento basahin:

Makikiraan lang po sa newsfeed nyo.
Kabilang po ang aming pamilya sa 4Ps na programa ng gobyerno.
Gusto ko lang pong ibahagi ang  experience ko as iskolar ng 4Ps, iskolar ninyo, opo, dahil alam ko naman po na buwis ninyo ang isa sa mga nagpa-aral sa amin.

Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya, isang kahig isang tuka. Madalas hirap kami na makakain 3 beses sa maghapon lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani. Walo po kaming magkakapatid at ika-lima po ako. Ako po ang unang nakatuntong sa kolehiyo dahil na rin sa opurtunidad na dala ng programang ito kaya di ko pinalampas, kahit medyo may kalayuan ang Unibersidad mula sa amin. Nagsakripisyo din po ako sa loob ng limang taon.

First year College pa lang po ako nang sumakabilang buhay ang aming tatay. Hindi po naging madali ang buhay estudyante ko bilang isang iskolar, nagdalawang isip kung tutuloy pa ba o hindi na, pero inisip ko po noon na mas mahirap bumalik sa pamumuhay na mayroon kami.
Every semestral at Christmas break, isa lamang po ito sa mga panahong nagkakaroon ako ng pagkakataon na makauwi sa aming bahay, na sana nagbabakasyon nalang pero madalas po nakiki-ani kami ng palay, nagkokopra, para atleast pagbalik ko ng Unibersidad may dagdag pagkain at pang-gastos bukod sa ayuda ng gobyerno. Naalala ko pa noong summer vacation bago ako tumuntong ng ikalimang taon ko sa kolehiyo, nagtrabaho po ako as construction worker, opo naging isang laborer din po ako dahil tuwing bakasyon wala naman po kaming allowance kaya kailangan namin kumayod para may pangdagdag pangkain ang pamilya.
Sa loob po ng limang taon di ko na nabilang kung ilang beses akong lumuha dahil sa hirap na minsan nawawalan din ng pag-asa, pero nanguna po sa mga naging inspirasyon ko yung pamilya ko na sana dadating yung araw na hindi na namin kailangang maging uhaw sa ayuda ng gobyerno, na sana dadating yung araw na hindi na kami makakarinig ng sumbat mula sa kapwa namin dahil masakit po, Masakit na kahit anong kayod mo kulang at kulang pa rin tapos ang tingin sayo tamad dahil walang nararating sa buhay.
Naalala ko po yung sinabi ng kaibigan ko na tumatak sa akin, " WE'RE LIVING IN THE SAME GENERATION BUT NOT WITH THE SAME EXPERIENCE".
Sa awa po ng Diyos, nakapagtapos po ako sa loob ng limang taon dahil na rin sa napakaraming taong tumulong. Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang Gusto kong ipagpasalamat sa inyo.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO
SA INYONG LAHAT
dahil kayo po yung naging daan kung bakit ang isang katulad ko po na simpleng bata mula sa pamilya ng mga magsasaka, ay nagkaroon ng pagkakataong matupad ang pangarap na makapagtapos at makatulong sa Pamilya.
P.s. Wala po akong sama ng loob, dahil lahat naman po tayo may kanya-kanyang opinyon, ang sa akin lang po gusto kong iparating na kahit paano may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.
Salamat po.

ENGR. MARVIN A. ARNOZA
Proud 4Ps Scholar

Source: Marvin A. Arnoza Facebook

CAPITAL OF NUEVA ECIJA, PALAYAN CITY MAYOR NAMAMAHAGI NG 3,000 PESOS!!!

Capital Of Nueva Ecija, Palayan City Mayor Rianne Adrianne Mae J. Cuevas, Namamahagi ng 3,000 Pesos ayuda sa mga mamamayan.
                   
Mayor Mae J. Cuevas, Namamahagi ng 3,000 Pesos Ayuda sa mga mamamayan ng Palayan City Sa 19 Brgy,

"[April 10, 2020] ❤
Sa kabila ng matinding sikat ng haring araw at gitna ng tirik na init ay mas masaya ang ating pakiramdam na makasama ng ating minamahal na Ina ng Lungsod, Kgg. Mayor Rianne Adrianne Mae J. Cuevas. πŸŒΈπŸ’•
Nakatapos na naman po tayo magpamahagi ng tig-3,000pesos na ayuda para sa ating mga ka-Lungsod na nangangailangan. πŸ’–
Ito po ay pandagdag tulong sa pambili ng pagkain at ilang pangangailangan para sa isang buwan ngayon panahon ng health crisis hatid ng Inter-Agency Task Force of Palayan City. πŸ’™

Muli po, ang ayuda po na ito ay iba pa sa inaasahan na ipapamahagi na Social Amelioration na kung saan ay DSWD National ang nag a aproba at inaasahan na dumating at ibaba sa lalong madaling panahon. 😊

Nakatapos na po tayo sa Brgy. Atate, Brgy. Mapaet, Brgy. Popolon at Brgy. Ganaderia. 😊

✅ Brgy. Mapaet
✅ Brgy. Popolon
✅ Brgy. Ganaderia
✅ Brgy. Atate
⏹ Brgy. Aulo
⏹ Brgy. Bagong Buhay
⏹ Brgy. Bo. Militar
⏹ Brgy. Caballero
⏹ Brgy. Caimito
⏹ Brgy. DoΓ±a Josefa
⏹ Brgy.  Imelda Valley
⏹ Brgy. Langka
⏹ Brgy. Malate
⏹ Brgy. Maligaya
⏹ Brgy. Manacnac
⏹ Brgy. Marcos Village
⏹ Brgy. Santolan
⏹ Brgy. Sapang Buho
⏹ Brgy. Singalat

Ayon sa isang residente ng Palayan City  na si "ONIBAR AVEN DUPAYA" 6:00 am pa lang daw ng umaga maaga ng naglalakad  si Mayor para ipamahagi ang 3,000 pesos sa 19 brgy sa nasasakupan ng Palayan City.











Source: LUNGSOD NG PALAYAN FB PAGE

Thursday, April 9, 2020

ETO PO YUNG SUPERMOON KAGABI NA NAKUNAN SA BRGY. HILLSIDE BAGUIO CITY.!

Eto po yung supermoon kagabi na nakunan sa Brgy.Hillside Baguio City,
 eto daw ang hudyat na Pinapagaling na ng Diyos ang ating mundo, unti unti nang naghihilom ang ating bansa, patunay na meron tayong Diyos na mapagmahal at mapaghimala, maraming nagsasabi na simpleng liwanag lang ito ng Buwan ngunit para sa mga naniniwala sa Panginoon ay isa itong milagro ng Diyos na ito ang mensaheng ipinadala sa atin na huwag tayong mawawalan ng Pag-asa anuman ang kinakaharap nating krisis at laban.

© Leslie Reyes

TRENDING NGAYON SA FACEBOOK 4P'S MEMBER NAHULING NAG TOTONG IT'S..

Trending Ngayon Sa Facebook 4P's member nahuling nag totong-it's.

TRENDING SA FACEBOOK 4P'S MEMBER NAHULING NAG TOTONG IT'S, AYON SA UPLOADER NG VIDEO NA SI JOYCE MANCE GALIT NA GALIT  PA DAW SA GOBYERNO PERO NAG-SUSUGAL.

Panoorin ang video sa ibaba:

TOTOO NGA BA NA SI FRANCIS LEO MARCOS HUHULIHIN NG MGA PULIS!??

  • Totoo nga ba ito o fake news lang!?
FRANCIS LEO MARCOS HUHULIHIN NA DAW NG MGA PULIS!?
 

 Wala na umano sa kanyang bahay at nagtatago na daw umano si francis leo marcos sabi ng isang brodcaster.

Panoorin ang video sa ibaba: